Monday, April 27, 2020

7 Lessons that You Must Learn in the Book "The Richest Man in Babylon" (Tagalog)


Natanong mo na ba sa sarili mo minsan kung bakit may mga tao na sobrang kayayaman?

Natanong mo na rin ba sa sarili mo kung bakit yung iba naman ay hindi pinagpala sa kayamanan at di nagiging mayaman?

Simula nang nabasa ko itong libro na ito, mas nagkaroon ako ng insights kung ano nga ba ang mga sikreto or principles ng mga mayayamang tao.

Sobrang nakaka-excite nito at gusto ko i-share sa inyo ang mahahalagang natutunan ko dito!

Ready ka na ba?

Okay, great!

Basically, nagsimula ito sa isang lalake na nagtanong sa isang mayaman para turuan siya kung paano maging mayaman. Pero the way siya magturo is slowly but surely, meaning nagbigay muna siya ng isang lesson tapos kung ma-iaapply niya yung unang lesson, saka siya susunod sa pangalawang lesson.

Pinapagalitan at even sinisigawan niya itong lalake kapag ito ay nagkakamali at hanggang matutunan niya ang mga lessons na tinuturo niya.

Here are the top lessons I learned from the book:

1.Start your purse to fattening.

      "For every ten coins thou placest within thy purse  take out far use but nine. Thy purse will start to fatten at once and its increasing weight will feel good in thy hand and bring satisfaction to thy soul."

    - Ito yung unang tinuro sa kanya at sinuportahan lang lalo nito ang mga informations na nababasa at napapanuod ko sa youtube about sa tamang paraan ng pag-save ng pera na dapat at least 10% ng income mo ay dapat sini-save mo muna.

   - "Pay yourself first".  Tama pala itong concept na ito na dapat nagsi-save muna bago gumastos. At may formula pa nga itong concept na ito eh.

   Formula:    (INCOME - SAVING = EXPENSES ) , ang meaning nito ay kapag tumatanggap ka na ng kita or income, i-compote mo kaagad yung 10% nito at ilagay mo kaagad sa savings mo. Pwede sa bangko or kung may alkansya ka at yung matitira doon ay i-budget mo para sa mga expenses and other matters.



2. Control thy expenditures

      "Budget thy expenses that thou mayest have coins to pay for thy necessities, to pay for thy enjoyments and to gratify thy worthwile desires without spending more than nine-tenths of thy earnings."
    
       -After mo mag-save ng at least 10% ng kinikita mo, kailangan naka-budget naman ang natitira para sa ibang matters like expenses sa kuryente, tubig, pamasahe, etc.

      - Naalala ko tuloy yung principle ni Bo Sanchez about managing money. Ang principle naman sa kanya ay ganun din may at least 10% savings at hinati nya ang natitira gamit ang 
"TREES" PRINCIPLE.

     TREES, tama ang narinig mo!
   
     T- Tithe  (10% for the service of the Church)
     R- Retirement Fund  (for retirement age)
     E- Emergency Fund   (for emergency, anytime)
     E- Expenses  (Daily, monthly expenses for personal or for family)
     S- Savings and Support Fund (10% for the personal saving, other S-is for support for the family                                       or friends in need.

        Pwede mo rin 'gawing guide kung paano mo hahatiin ang pera mo.


3. Make thy gold multiply

        "to put each coin to labouring that it may reproduce its kind even as the flocks of the field and help bring to thee income, a stream of wealth that shall flow constantly into thy purse."


        -  Ang natutunan ko naman dito ay dapat maghanap ka ng isang pagkakakitaan kung saan yung pera mo ay lalago for the long run.

      Ang inexample sa libro ay ang pagkakaroon ng passive income through rental. Yes! tama ka!. Napakagandang business yung rental business like yung bahay na pinapaupahan mo, yung karaoke na pinapaupahan mo, leasing space, etc. Dahil dito, kahit wala ka masyadong ginagawa , nakainvest ang pera mo kung saan ito ay sure na magbibigay sayo ng tuloy tuloy na agos ng pera.

   One way na rin ng pagpapalago ng pera mo aside from rental business or real estate ay through stock market or mutual fund, kung saan tatanggap ka ng dividendo sa isang evergreen at malalakas na kumpanya like Sm, jollibee, mcdo etc.



4. Guard thy treasures from loss

    " Guard thy treasure from loss by investing only where thy principal is safe, where it may be reclaimed if desirable, and where thou will not fail to collect a fair rental. Consult with wise men. Secure the advice of those experienced in the profitable handling of gold. Let their wisdom protect thy treasure from unsafe investments."

   Sa lesson naman na ito, naalala ko na dapat may mentor or coach ka na professional or expert na isang field like paghahawak ng pera.

  Isang example is si Chinkee Tan. Kung gusto matuto kung paano ang tamang investing, savings dapat pijapanuod mo yung videos niya sa youtube.

  Napakahalaga dapat na may mentor kang sinusundan, kasi sila ay madami nang experinced at failures na willing nilang ituro para sayo.

 Ang concept is ganito, kung ikaw ay may malubhang sakit na tulad ng dengue or kung may gusto kang ipa-check sa kalusugan mo, saan ka pupunta? Diba sa Doctor?

 Kung gusto mo naman malaman kung paano pagandahin ang magiging design ng dream house mo, saan ka magsi-seek ng advice? Diba sa Architect?

 Ganun din about sa financial. Kung gusto mo maging mayaman, dapat makikinig ka sa mga advice ng mga mayayamang tao. Syempre hindi ka magsi-seek ng advice sa mahirap.



5. Make of thy dwelling a profitable investment

     "Own thy own home."

    Ang natutunan ko naman sa lesson na ito ay dapat secure yung investments mo sa pagpapalago ng pera mo at dapat nababawasan na yung mga expenses mo.

   Example sa nabasa ko dito ay about sa pag invest para sa sariling bahay. Kasi mahirap nga naman na makapag ipon at paramihin ang pera mo kung monthly naman ay may mga expenses ka naman na kaya pang kontrolin.

 Mas mababawasan ang mga expenses mo at more income ang papasok at mapaparami mo kung may sarili ka nang bahay at sa ibang gamit na kaya naman sarilinin.



6. Insure a future income

    "Provide in advance for the needs of thy growing age and the protection of thy family."

    Ang natutunan ko naman dito ay dapat well insured ka na kasama ang pamilya mo. Kasi di natin alam kung kailan ang emergency like accidents, or deaths or even  the pandemic corona virus. May mga oras na di natin kontrolado, kaya mas maganda na mas maaga pa lang ay may life insurance na tayo.

   At maganda habang may insurance ka, dapat may nakalaan na rin para sa retirement age mo. Kasi kung plano mo or gusto mo magtrabaho hanggang retirement , at least may natabi ka para  sa future expenses. 



7. Increase thy ability to earn

    "Cultivate thy own powers, to study and become wiser, to become more skillful, to so act as to respect thyself."

  Gaya nga ng sinasabi ng mga successful people, entrepreneurs, "the more you learn, the more you will earn".

  Tama nga ang sinasabi na "the greatest investment is to invest in yourself", kasi the more na natututo ka about financial literacy, the more na ma-aapply mo ang mga principle and therefore the more na lalago ang pera mo at maiiwasan mo ang mga mistakes at failures sa buhay mo.


 At iyan ang 7 (pitong) dapat mong matutunan sa libro na ito. 

Note: Ang pera ay hindi source ng evil. Nasa tao na ito kung ito ay gagamitin niya sa kasamaan or sa kabutihan. Isipin mo na lang ang ibang mayayaman na tumutulong ngayon.Kaya kung gusto mo rin magawa nang tama ang mga lessons sa libro na ito, dapat tama muna ang mindset mo about sa pera.

FB PAGE :



Your Friend,
Seph Soriano
Online Entrepreneur


No comments:

Post a Comment