Araw-araw may nakikita akong bata sa lansangan namamalimos,
nakakaka-awa, gutom. At yung iba
pa ay iniwan na daw ng mga magulang nila. Bigla ko naisip, ano
kaya ang dahilan bakit iniiwan ng
ibang magulang ang kanilang mga anak? Syempre isang sagot
at ang pinaka common reason ay
hirap sa buhay, walang pangtustos ang pangbuhay. Ayan gawa gawa ng anak 'di pa pala ready.
Madami tuloy ang mga kawawang paslit sa kalye ang napapabayaan .
Madaming tao ay di muna inisip ang kahahantungan ng isang bagay, tulad na lang ng paggawa ng
anak. Madaming tao din ang ' di aware kung ano ba ang estimate na halaga ng pera kung gusto mo
mag-raise ng anak ng maayos. Syempre kung mahal mo ang anak mo,gagawa ka ng paraan para
mabigay sa kanya ang maayos na pamumuhay simula't sapul.
Bigla din tuloy akong napaisip kung magkano kaya ang magpalaki ng anak. Hahahha! Buti andyan si
google.
“The Cost of Raising Children in the Philippines”
Andun yung estimate kung magkano ang kaylangan mo para makapag palaki ng isang anak.
Magkano ang gagastusin mo hanggang maging 16 yrs old ang anak mo.
Ito yung computation…
+ Pregnancy and childbirth: 100,000 PHP
+ First 5 years (doctors, vaccines, diapers, formula milk, etc): 10,000/month x 12 months x 5 years = 600,000 PHP
+ Tuition fee under K-12: 40,000 x 12 years = 480,000 PHP
+ College tuition (UP Bracket A estimate): 60,000/year x 4 years (you hope) = 240,000 PHP
+ Living expenses for 13 years: 5,000/month x 12 months x 16 years = 780,000 PHP
Total Cost: 2,200,000 PHP
The average number of children in the Philippines is 3 children (Year 2014 estimate).
GRAND TOTAL = P2,200,000 x 3 = That’s P6,600,000
Hindi talaga biro ang pagpapamilya.
Malaking tungkulin at responsibilidad talaga.
Ang malungkot marami pa din ang anak lang ng anak kahit hindi naman nila kayang tustusan o suportahan yung mga anak nila.
Ikaw ba parent ka na din ba?
Handa ka na ba para sa tungkulin at responsibilidad mo?
LIKE MY FB PAGE: https://www.facebook.com/coachsephsoriano/
ADD ME ON FB: https://www.facebook.com/naitsirc.soriano
JOIN MY FB GROUP: https://www.facebook.com/groups/238460470576630/?ref=share
Your Friend,
Seph Soriano
Online Entrepreneur
No comments:
Post a Comment