“PAANO MO MALALAMAN NA ANG ISANG INVESTMENT AY SCAM AT SUGAL?”
Saan nga ba natin talaga ilalagak ang ating pinaghirapang pera para ito ay lumago?
Kung ikaw ay may ideya na patungkol sa mga investments at kung anu-ano pang uri ng pag iipon, maaaring sa una ay maganda ito dahil lang sa sinabi ito sa iyo ng kaibigan mo, kamag-anakan mo,
ng kaibigan ng kaibigan mo at at ng kung sino pa man ngunit dapat mo ring maintindihan at malaman kung saan itinayo, kelan, ano ang produkto, rehistrado ba to sa DTI at SEC, gaano na ba katagal ang kumpanyang ito, ano ang feedback o kumento ng mga tao tungkol dito (wag ka lang magtanong sa iisang tao bagkus ay gumawa ka ng survey kung maaari) at marami pang iba. Sabi nga ng mga Financial Experts, “DO YOUR HOMEWORK” o dapat alamin mo ang pinapasok mo, mapa business man o investments. Ako ay may inihandang artikulo na tiyak ay iyong mababasa sapagkat ito ay makakatulong sa iyo upang ikaw ay maging “aware” sa iyong mga nakakasalamuha.
I. NG INVESTMENT AY ISANG SCAM KUNG...
1. ITO AY NAGBIBIGAY NG GARANTISADONG KITA
– Naka encounter ka na ba ng kakilala, kaibigan, kaibigan ng
kaibigan mo o kaya ay kamag-anakan na nag-aalok ng
“investment” at kapag nag invest ka dito ay bibigyan ka ng
malakihang kita “FIXED AND GUARANTEED”
basta ilapag mo lang ang pera mo? Ito ay dapat mong pagnilay-nilayan o pag-isipan ng mabuti dahil ang kita sa pag-iinvest ay naka base sa estado ng kumpanya, sa mga nasasakupan nito, gaano na ito katagal sa business at may kasama pang “Fundamental Analysis” na iyong titingnan para masabing ito ay lehitimo.. Bigyang oras ang sarili para pag isipan kung ito ba talaga ang tamang pamamalakad sa pag iinvest
2. TO AY NAGBIBIGAY NG HIGIT SA 10% NA KITA
– ang mga known BANKS, MUTUAL FUNDS, UITF at VUL ay ilan sa mga legit investment instruments na excempted sa mga scam na i
nvestment na nababalitaan o naririnig mo na nagbibigay ng 10% at napaka promising. Kung ito ay ma encounter mo sa isang tao, “tumakbo ka na” (what I mean is to just avoid his proposal). Kung ang iyong kamalayan tungkol sa mga ito ay mababa pa, maari ay pag-aralan muna ito o kaya ay magtanong sa isang Financial Expert ukol dito. I am encouraging everyone to search for these: MUTUAL FUNDS, UNIT INVESTMENT TRUST FUNDS AND VARIABLE UNIT LINKED.
– yung tipong hihikayatin kang ibenta ang gamit mo para lang makapasok ka sa kanila (based on my experience) o dili kaya’y tatanungin ka kung anong mga gamit ang pwede mong ibenta na hindi na ganun ka-kailangan.
II. ANG INVESTMENT AY ISANG SUGAL KUNG...
1. HINDI MO ALAM ANG PRODUKTO– nung pumasok ka sa isang business bilang isang investor, ano ang pinaka unang-una mong napapansin o naka-agawan ng atensyon para sumali? Base sa naranasan ko, ang kita ang una kong pamantayan para sumali sa isang business ngunit hindi lang pala dapat ako mag focus doon at hayaan nalang na lumago ang pera ko. Ito ang isa sa mga naging pagkakamali ko bilang isang entrepreneur na ang naiisip lang ay ang kita ngunit hindi gaano sa kahalagahan ng pagnenegosyo nito. Dapat ay alamin natin ang produkto bago tayo sumalang sa isang negosyo.
2. HINDI MO PINAG-ARALAN ANG IBANG ASPETO NG NEGOSYONG ITO – dapat maunawaan natin na hindi laging pasok ng pasok ang pera at kapag kumita ng kaunti ay gagastusin na ito sa kung ano pa man (luho). Dapat ding maitanim sa ating mga sarili ang kahalagahan sa negosyo at investments. Ang ilan sa mga ito ay ang mga empleyado na nagtatrabaho sa iyo. Sila ay mahalaga para mapatakbo ang iyong negosyo dahil kung walang work force, walang business. Kung walang business, walang investors. Kung walang investors, walang investments. Kung walang investments, walang expansion. Kung walang expansion, walang growth. Ang pinaka mahalaga sa lahat ay ang mga consumer o mga tumatangkilik ng produkto mo. Dapat malaman mo kung ano ang kanilang pangunahing pangangailangan para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay at kung ano ang kahalagahan ng business mo para sa kanila.
3. ANG HUMAHAWAK NG PINAG INVEST-AN MO SA ISANG NEGOSYO AY HINDI MO KILALA – marahil ay marami na sa atin ang pumasok na sa mga pag nenegosyo na may kahati o “business partner” kung tawagin pero napaka importante na malaman kung ano ba talaga ang target or goals ng iyong business partner at kung kayo ba ay magkasundo sa inyong layunin for the long term. Darating ang mga panahon na hindi kayo magkakasundo sa ibang mga bagay patungkol sa plano niyo sa business niyo ngunit kung iisa lang naman ang goal niyo at kung ito ay pang matagalan, hindi kayo magkakagulo at isa na rin dun ang patunay na kayo talaga ay magkakilala na para bang “Till debt do us part” ika-nga.
Ang mga nakasaad sa itaas ay iilan lamang sa marami pang mga paraan para ikaw ay sumugal at ma scam. Dapat tayo ay maging aware sa mga pinapasok natin. Pag-aralan ang produkto, kilalanin ang business partner o investors na gustong pumasok sa negosyo mo at maging financially literate muna.
(P.S. KUNG GUSTO MO NAMAN MALAMAN KUNG PAANO MAGING PROFITABLE ANG BUSINESS MO OR KUNG GUSTO MO MAG-START NG ONLINE BUSINESS, CLICK THIS TO LEARN MORE FROM FREE VIDEO TRAININGS)
Kung sa tingin mo ay nagustuhan mo ang blog na ito, i-like at i-share mo na para malaman din ng iba mo pang mga kaibigan at kapamilya ang iyong mga natutunan ngayong araw na to.
Wag kalimutang mag comment pagkatapos basahin at ako ay agad-agad na tutugon sa mga katanungan ninyo.
May nasalihan ka na bang scampany ?
I-share mo Naman sa comment box.
FB PAGE :
THIS IS JOSEPH SORIANO
ANG INYONG GABAY PATUNGO SA
magandang kinabukasan.
FB PAGE :
ADD ME ON FB: https://www.facebook.com/naitsirc.soriano
JOIN MY FB GROUP: https://www.facebook.com/groups/238460470576630/?ref=share
Your Friend,
Seph Soriano
Online Entrepreneur
No comments:
Post a Comment